top of page

Inulets!

Jan 1, 2014
1 min read

Ang pagkalat ng balita ngayong panahon ay parang “virus” dahil sa mabilis itong lumaganap hindi lamang sa iisang lugar kundi nakakaabot rin ito sa ibat-ibang bahagi ng mundo, minsan nga ay sumisira ito ng tao at ng mga pananaw nito.

Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat ang samut-saring kaganapan sa bansang Pilipinas na maging sa ibat-ibang bansa ay umaabot dahil sa makabagong paraang ginagamit ng mga pahayagan. Ang mga tampok na ibinabalita ng mga taga medya ay ang taklesang pananalita ng pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte kung saan halos lahat na lamang ng binibitawang salita ng pangulo ay makikita at maririning sa telebisyon, kahit pa sabihin ng iba na wala itong kwenta. Laman din ng mga balita ang kaguluhang nagaganap sa ating pamahalaan ,lalo na ang hindi mamatay-matay na usapin ng extra judicial killings.

Hindi sa ayaw kong ibinabalita ang ganitong mga kaganapan sa ating bansa,nakakatawa lang dahil kahit ang mga batang walang muwang ay alam na paulit-ulit na lamang ang mga ito ,sa katunayan ay may mga ito ,sa katayuan ay may mga eksprisyon pa silang sinasabi at yun ay ang katagang “inulets”. Ang sa’kin lang din ay marami pa namang mahahalagang kaganapan sa ating bansa na maaari nilang ibalita imbes na umikot ang mga mundo nila ng paulit-ulit sa parehong usapin.

 
 
 

Comments


Featured Review
Tag Cloud

© 2023 by The Book Lover. Proudly created with Wix.com

bottom of page